Home METRO Matandang inanod sa baha sa NegOr, patuloy hinahanap

Matandang inanod sa baha sa NegOr, patuloy hinahanap

4
0

NEGROSL ORIENTAL, Philippines – Pinaigting ng Philippine Coast Guard (PCG) ang search and rescue operation para sa 66-anyos na si Enrique Alabata na nawawala matapos tangayin ng biglaang pagbaha sa Barangay Maloh, Siaton, Negros Oriental.

Ayon sa PCG, pinalawak na ang paghahanap sa dagat sa mga karatig na bayan ng Siaton at Zamboanguita, habang hinahalughog naman ng mga responder at local disaster teams ang mga lugar sa tabi ng ilog.

Lumalabas sa imbestigasyon na nasa loob si Alabata ng kanyang kubo nang tangayin siya ng rumaragasang baha dulot ng malakas na ulan. Hindi siya agad nasaklolohan dahil sa lakas ng agos.

Samantala, sinuspinde ni Gov. Manuel Sagarbarria ang klase sa Siaton at Zamboanguita dahil sa malakas na ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa na dulot ng low pressure area at localized thunderstorms.

Iniulat din ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na hinarangan ng rockslide ang isang barangay road sa Barangay Caticugan, Siaton. Patuloy ang clearing operations habang nakaantabay ang mabibigat na kagamitan ng Provincial Engineering Office kung kinakailangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here