Home NATIONWIDE Hontiveros umaasang mas maraming senador susuporta sa Anti-Political Dynasty Bill

Hontiveros umaasang mas maraming senador susuporta sa Anti-Political Dynasty Bill

3
0
larawan ni Cesar Morales

MANILA, Philippines – Umaasa si Sen. Risa Hontiveros na mas marami pang senador, kabilang ang mga mula sa political families, ang susuporta sa pagpasa ng bersyon ng Senado ng Anti-Political Dynasty Bill.

Ayon kay Hontiveros, sa unang pagkakataon ay isang-katlo ng mga senador ang naghain ng mga panukalang laban sa political dynasty.

Sinabi rin niya na sina Sen. JV Ejercito at Sen. Erwin Tulfo, na kapwa kabilang sa political families, ay nagpahayag ng suporta sa panukala.

Ayon kay Hontiveros, sinabi ng dalawang senador, “I am a member of a political family but I want the political system to be opened to all Filipinos.”

May apat na pares ng magkakapatid na kasalukuyang miyembro ng Senado: sina JV Ejercito at Jinggoy Estrada, Erwin at Raffy Tulfo, Mark at Camille Villar, at Alan Peter at Pia Cayetano.

Nilinaw ni Hontiveros na hindi kabilang ang mga Villar sa mga naghain ng kaparehong panukala, ngunit umaasa siyang susuportahan nila ito sa panahon ng pagtalakay, pag-amyenda, at botohan.

Umaasa rin siya na susuporta ang iba pang senador, kabilang ang mga Cayetano.

Dagdag pa niya, positibo rin siya sa magiging bicameral conference committee dahil inaprubahan na ng Kamara ang kanilang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill, na inakda nina Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Sandro Marcos. Aniya, kabilang din ang panukala sa mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here