Home HOME BANNER STORY Utang ng gobyerno umabot na sa P18.55T

Utang ng gobyerno umabot na sa P18.55T

4
0

MANILA, Philippines – Umabot sa ₱18.55 trilyon ang kabuuang utang ng pamahalaan noong Mayo, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Mas mataas ito ng 0.41% kumpara sa ₱18.47 trilyon noong Abril.

Ayon sa BTr, tumaas ang utang dahil mas maraming hiniram ang pamahalaan sa loob ng bansa upang matustusan ang pangangailangan sa pondo, sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa Gitnang Silangan.

Gayunman, nabawasan ang pagtaas ng utang dahil lumakas ang piso laban sa US dollar at iba pang foreign currencies.

Tumaas ng 0.65% ang domestic debt sa ₱12.5 trilyon, habang bahagyang bumaba ng 0.07% ang foreign debt sa ₱6.05 trilyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here