ZAMBOANGA CITY — Nasamsam ng mga awtoridad ang hinihinalang cocaine at shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P17 milyon sa isinagawang anti-drug operation sa Jolo, Sulu nitong Miyerkules, Hulyo 1.
Inaresto ng Jolo Municipal Police Station ang isang 28-anyos na hinihinalang drug pusher, na residente ng Barangay Tulay, Jolo, sa nasabing operasyon.
Narekober mula sa suspek ang tatlong kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P15.9 milyon at 200 gramo ng shabu na may tinatayang street value na P1.35 milyon.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico