Home METRO HVI na tulak, huli sa buy-bust sa Valenzuela

HVI na tulak, huli sa buy-bust sa Valenzuela

2
0

MANILA, Philippines – SWAK sa hoyo isang tulak ng droga na itinuturing bilang High-Value Individual (HVI) nang kumagat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng madaling araw.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas “Jun”, 51, ng Brgy., Maysan.

Isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang buy bust operation laban sa suspek sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng shabu.

Hindi na nakapalag ang suspek nang sunggaban ng mga operatiba ng SDEU dakong ala-1:50 ng madaling araw sa gilid ng Tierra Santa Memorial Park sa G. Marcelo Street, Brgy. Maysan matapos umanong bintahan ng shabu ang katransaksyon na pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P374,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill, walong pirasong P1,000 boodle money, coin purse at P200 cash.

Isinailalim na ang suspek sa inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office kaugnay sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here