Home HOME BANNER STORY 2 indibidwal natagpuang patay sa dormitoryo sa Maynila

2 indibidwal natagpuang patay sa dormitoryo sa Maynila

3
0

MANILA, Philippines – Natagpuang wala nang buhay ang dalawang indibidwal sa loob ng isang dormitoryo sa Sampaloc, Maynila nitong Biyernes ng umaga, Hulyo 3 ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD).

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sinasabing pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti ang dahilan ng pagkamatay ng biktimang lalaki na si Mark, 21 at Allieyah, 21 anyos na babae.

Nangyari ang insidente sa loob ng Unit 4-6 sa ika-apat na palapag ng Coffee Indulgence Dormitory sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa pulisya, natuklasan ang pangyayari nang bumisita ang ama ni Allieyah sa dormitoryo upang tignan ang sitwasyon ng kanyang anak.

Gayunman, nang sumilip sa bintana ng nasabing unit, napansin niya si Mark na nakabitin sa kisame gamit ang kadena dahilan para humingi ng tulong sa caretaker at barangay.

Nang makapasok sa unit, natagpuan naman si Allieyah na wala na ring buhay na nakahiga sa kama at natakpan ng kumot.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang malalimang imbestigasyon sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here