Home NATIONWIDE PCG nakipag-ugnayan sa US Coast Guard sa RIMPAC 2026 sa Hawaii

PCG nakipag-ugnayan sa US Coast Guard sa RIMPAC 2026 sa Hawaii

2
0

MANILA, Philippines – Bumisita sa US Coast Guard Sector Honolulu ang isang delegasyon ng Philippine Coast Guard o PCG nitong Huwebes, Hulyo 2, bilang bahagi ng kanilang pakikilahok sa Rim of the Pacific o RIMPAC Exercise 2026.

Ayon sa PCG sa pahayag nitong Biyernes, nagsilbi ang pagbisita bilang plataporma para sa professional engagement at pagbabahagi ng best practices sa maritime operations, pagpapatupad ng batas sa dagat, search and rescue, at maritime security.

Idinagdag din nito na mas pinagtibay ng aktibidad ang interoperability at ang matagal nang partnership ng PCG at USCG.

Pinangunahan ang delegasyon nina Rear Adm. Weniel Azcuna, Commander ng Task Force 93, at Commodore Dann August Cariño, Deputy Commander ng Task Force 93.

Isang araw bago ang pagbisita, lumahok din ang PCG sa TCCC Tier 1 – All Service Members Course na pinangunahan ng Canada sa ilalim ng RIMPAC.

Nagsanay ang PCG kasama ang mga kasundaluhan mula sa iba’t ibang allied at partner nations para sa pagtugon sa trauma-related emergencies sa mga operational environment.

Isinasagawa ang biennial na RIMPAC mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 31.

Magdadala ito ng 31 partner nations sa Hawaiian Islands para sa isang malawakang multinational maritime exercise.

Lalahok dito ang tinatayang 40 surface ships, 5 submarines, 140 aircraft, at mahigit 25,000 personnel.

Ngayong taon ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok mismo ang PCG hindi lang bilang observer, matapos mapatunayang naabot na nito ang minimum na antas ng fleet readiness. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here