Home METRO PMA entrance exam, gaganapin sa Hulyo 11–12

PMA entrance exam, gaganapin sa Hulyo 11–12

3
0

BAGUIO CITY, Philippines – Nakatakdang isagawa ng Philippine Military Academy (PMA) ang entrance examination para sa Eastern Mindanao Cluster sa Hulyo 11 at 12.

Kabilang sa mga testing center ang Bayugan City (Agusan del Sur), Cagayan de Oro City, Surigao City, Davao City, Digos City, Mati City, at Tagum City.

Ayon sa PMA, inaasahang aabot sa 500 aplikante ang kukuha ng pagsusulit sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.

Ang mga nakapag-apply online o sa pamamagitan ng koreo ay kailangang magdala ng examination permit, isang 2×2 ID picture, dalawang No. 2 na lapis, at valid ID.

Samantala, ang mga walk-in applicant ay dapat magsumite ng accomplished application form, PSA birth certificate, school records, dalawang 2×2 ID picture, dalawang No. 2 na lapis, at valid ID.

Inatasan din ang lahat ng examinee na magsuot ng puting T-shirt, pantalon, at rubber shoes.

Magsisimula ang pagproseso ng mga requirement alas-7:00 ng umaga, habang alas-12:00 ng tanghali naman ang pagsusulit.

Pinayuhan ang mga aplikante mula sa General Santos City na may examination permit na kumuha muna ng exam sa Davao City o Digos City.

Samantala, ang PMA entrance exam sa General Santos ay pansamantalang inilipat sa Hulyo 25–26, depende sa pagbabalik sa normal na sitwasyon matapos ang magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here