Home METRO 4 miyembro ng “on-call akyat-bahay” gang, arestado

4 miyembro ng “on-call akyat-bahay” gang, arestado

3
0

CAMARINES SUR, Philippines – Apat sa pitong umano’y miyembro ng isang “on-call akyat-bahay” gang ang inaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Quezon at Camarines Sur.

Dalawa sa mga suspek ang nahuli sa checkpoint sa Gumaca, Quezon matapos inspeksyunin ng pulisya ang sinasakyan nilang bus. Natagpuan sa body bag ng isa sa kanila ang mga baril.

Ayon sa pulisya, sangkot ang grupo sa pagnanakaw sa isang bahay sa Libmanan, Camarines Sur noong Hunyo 25, kung saan tinangay ang mahigit P50,000 halaga ng pera, alahas, at mga gadget. Ninakaw rin nila ang isang SUV na kalaunan ay nabawi ng mga awtoridad.

Sinabi ng pulisya na tinawag silang “on-call” dahil nag-uusap umano sila sa group chat at nagtitipon lamang kapag may target na bahay sa Bicol, Calabarzon, Metro Manila, at Central Luzon.

Narekober sa mga suspek ang isang itim na SUV, perang piso at US dollars, isang .40 caliber pistol, at isang 9mm na baril.

Dalawa pang hinihinalang miyembro ng grupo ang naaresto sa Libmanan matapos silang makilala ng mga biktima. Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang tatlo pang suspek. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here