Home NATIONWIDE Kabaong na ‘Warning Sign’ sa Benguet-Nueva Vizcaya road, agaw pansin sa mga...

Kabaong na ‘Warning Sign’ sa Benguet-Nueva Vizcaya road, agaw pansin sa mga motorista

3
0

BOKOD, Benguet – Dahil umano sa walang displina sa mga motorista na madalas ay nagkakaroon ng disgrasya kung kayat isang kabaong ang inilagay sa kahabaan ng Benguet–Nueva Vizcaya Road sa bahagi ng Ambuklao, Bokod, Benguet.

Ayon sa Barangay Captain ng Ambuklao na si Rey Tello, hindi layunin ng naturang hakbang na manakot, mang-insulto, o magpakita ng kawalang-galang sa sinuman.

Ito raw ay magsisilbing paalala sa lahat ng motorista at mananakay na dumaraan sa naturang lugar na layunin nitong ipabatid ang kahalagahan ng pagsunod sa mga batas-trapiko at ang posibleng maging bunga ng pabaya at iresponsableng pagmamaneho ng mga motorista.

Ang Benguet-Nueva Vizcaya road ay short-cut o mabilis na daanan kung saan ay ilan oras lamang ang gugulin mo papasok at palabas sa Baguio City at Bambang, Nueva Vizcaya na sakop ng rehiyin dos o Cagayan Valley. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here