Home NATIONWIDE Preemptive evacuation sa pagdating ng Super Typhoon ipinag-utos ni PBBM

Preemptive evacuation sa pagdating ng Super Typhoon ipinag-utos ni PBBM

2
0

MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang preemptive evacuation sa mga residente sa high-risk areas at ang pre-positioning ng rescue teams, relief goods, at mahalagang suplay sa paghahanda para sa Super Typhoon Bavi.

Sa katunayan, sinabi ni Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inatasan ni Pangulong Marcos ang mga awtoridad na i-secure ang safe evacuation centers at maglagay ng livestock equipment zones, tukuyin ang alternate routes, magpatupad ng sea travel bans, inspeksyunin ang mga mahahalagang imprastraktura, magbigay ng maagang tulong sa vulnerable sectors, at i-monitor ang flood-related diseases.

Ipinag-utos din ni Pangulong Marcos ang pagsasagwa ng pre-disaster risk assessment scenario meetings, para sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at regional counterparts nito na mag- standby, magpalabas ng alert warnings kung kinakailangan at maglunsad ng information campaign sa lahat ng channels.

Sa ulat, as of 2 a.m. araw ng Lunes, si Bavi ay namataan sa 2,355 kilometers east ng Southern Luzon na may taglay na lakas ng hangin na 215 kph at bugso ng hangin ng hanggang 265 kph.

Ang cyclone ay hinuhulaang papasok sa PAR sa kalagitnaan ng lingg, kung saan tatawagin itong Inday. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here