MANILA, Philippines – Bumisita si Senator Robin Padilla nitong Huwebes kay Senator Rodante Marcoleta sa Philippine National Police General Hospital, kung saan sumasailalim si Marcoleta sa laboratory tests upang malaman kung maaari na siyang ilipat sa isang jail facility.
Dumating si Padilla pasado alas-2 ng hapon. Pinapayagan ang mga bisita sa PNPGH hanggang alas-3 lamang ng hapon.
Lumabas sa pinakahuling laboratory test ni Marcoleta na mataas ang kaniyang bad cholesterol.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Benaly Bayani, chief ng PNPGH Internal Medicine Department, mas mabuting ihiwalay muna si Marcoleta sa ibang pasyente dahil ginagamot din siya para sa mild pneumonia.
Sinabi ni Bayani na hinihintay pa ang resulta ng 2D echo test ni Marcoleta, na magsusuri sa kondisyon ng kaniyang puso.
Na-diagnose din ang senador na may cervical spine problem at mild pneumonia, bukod sa iba pang kondisyon.
Nahaharap si Marcoleta sa P75-milyong plunder case kaugnay ng umano’y undeclared campaign donations. Noong Lunes, iniutos ng Sandiganbayan Third Division ang pag-aresto kay Marcoleta at tatlo pang iba. RNT