Home METRO M-4.9 na lindol tumama sa karagatang sakop ng Eastern Samar

M-4.9 na lindol tumama sa karagatang sakop ng Eastern Samar

3
0

MANILA, Philippines – Isang magnitude 4.9 na lindol ang tumama sa karagatang timog-kanluran ng Balangiga, Eastern Samar nitong madaling araw ng Biyernes, Hulyo 10, 2026, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Una nang iniulat ng PHIVOLCS na magnitude 5.0 ang lindol bago ito ibinaba sa magnitude 4.9.

Naganap ang pagyanig dakong 12:46 ng madaling araw, tectonic ang pinagmulan, at may lalim na 91 kilometro.

Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here