Home NATIONWIDE Drilon: Impeachment trial dapat tumuon sa ‘betrayal of public trust’

Drilon: Impeachment trial dapat tumuon sa ‘betrayal of public trust’

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Senate President Franklin Drilon na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay dapat tumuon sa kung ang umano’y mga pagbabanta niya ay maituturing na betrayal of public trust, at hindi lamang kung may nagawang krimen.

Ayon kay Drilon, ang mahalagang tanong ay kung ang naging asal at mga pahayag ng Bise Presidente ay naaayon sa dignidad at responsibilidad ng kanyang posisyon.

Aniya, hindi mahalaga kung seryoso o hindi ang umano’y pagbabanta. Ang dapat pagdesisyunan ng impeachment court ay kung sapat itong batayan upang mapatunayang nilabag niya ang tiwala ng publiko.

Binanggit din ni Drilon na sana ay nagkasundo na ang magkabilang panig sa pagiging tunay ng video ni Duterte upang hindi na humaba ang pagdinig. Aniya, hindi naman itinanggi ng Bise Presidente na siya ang nasa naturang video.

Sinabi rin niya na maaaring nakaapekto sa depensa ang pahayag na nasa matinding stress si Duterte nang gawin ang mga sinabi nito, dahil maaari itong magdulot ng tanong tungkol sa kanyang paghusga at pagiging karapat-dapat sa tungkulin.

Sa ngayon, sinabi ni Drilon na tila may bahagyang lamang ang prosekusyon dahil nananatiling nakatuon ang paglilitis sa mga pahayag ni Duterte, na isa sa mga batayan ng impeachment complaint.

Magpapatuloy ang impeachment trial sa Lunes, kung kailan inaasahang haharap bilang testigo si Zuleika Lopez, chief of staff ng Office of the Vice President. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here