Home METRO Rider sugatan matapos tangayan ng motor, barilin sa Cavite

Rider sugatan matapos tangayan ng motor, barilin sa Cavite

3
0

CAVITE, Philippines – Isang Lalamove driver ang sugatan makaraang barilin at tangayan ng motor ng isang rider sa kahabaan ng Aguinaldo Highway Brgy. Conchu, Trece Martires City, Cavite.

Sa nakalap na impormasyon sa pulisya nakikipag ugnayan na ang Trece Martires City Police sa Cavite Land Transportation Office (LTO) sa nag mamay-ari ng motor na ginamit ng suspek matapos iwanan nang tangayin nito ang sasakyang gamit ng lalamove driver.

Ginagamot ngayon sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima na si alyas Rodmar, Lalamove driver dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-1:50 ng madaling araw habang binabaybay ng biktimang kahabaan ng nasabing highway dalawang beses itong pinagbabaril ng suspek sakay ng kanyang kulay pula/itim na motorsiklong Honda Click 125 na may plakang 0238CH at may nakakabit na Grab delivery box, dito natumba ang biktima at kaagad na kinuha ng suspek ang kanyang motorsiklo at tumakas patungo sa direksiyon ng Brgy. Pangil ng Amadeo, Cavite Road matapos narekober ang naiwang niyang motorsiko may plakang P3541F at kasalukuyang nasa kustodiya ng Trece Martires CPS.

Nagsasagawa ng backtracking ang pulisya sa CCTV para sa pagkakakilanlan sa suspek at sa kinaroroonan nito. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here