Home ENTERTAINMENT Katrina, may paglilinaw sa pagsagot kay Kris!

Katrina, may paglilinaw sa pagsagot kay Kris!

2
0

Manila, Philippines – Solb na ang pamimintuho ni Kris Lawrence kay Katrina Halili.

Looks like binitiwan na ng Kapuso actress ang kanyang matamis na “Oo.”

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Katrina ng video while holding a cake.

Nakasaad dito ang mga salitang: “It’s a yes!”

Madidinig din ang kantang I’d Still Say Yes while the actress is seated on a camping chair.

Pero nilinaw ni Katrina that there’s no need to rush things dahil ang pinag-uusapan dito’y lifelong commitment.

Aniya: “Sa mundong napakabilis ang takbo, ‘di natin kailangang makisabay sa pagmamadali. Ang pagkilala sa isang tao ay ‘di dapat minamadali, kundi binibigyan ng panahon, pang-unawa at halaga.

“Sapagkat ang mga desisyong may kinalaman sa puso ay ‘di para sa panandalian lamang. Ito’y para sa panghabambuhay.”

Sa latest Facebook video ay happy si Kris to have revealed na officially ay nililigawan niya uli si Katrina.

Nagdulot ito ng kilig among the fans.

Happy ending indeed! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here