Home NATIONWIDE Publiko inalerto sa ‘W.I.L.D diseases’ ngayong tag-ulan

Publiko inalerto sa ‘W.I.L.D diseases’ ngayong tag-ulan

2
0

Bulacan – Inalerto ng kinauukulan ang publiko laban sa usong “WILD diseases” ngayong panahon ng tag-ulan at pagbaha.

Ito ang iniulat ng Bulacan PHO-Public Health nitong Hulyo 10, na nagsabing ang W.I.L.D disease ay ang Water-And Food-Borne Disease, Influenza-Like Illness, Leptospirosis at Dengue.

Nabatid na mula sa Waterborne diseases ay maarning makaranas ng sakit na kolera, typhoid fever, pagtatae, hepatitis A, habang sa Influenza like Illness ay trangkaso, ubo, sipon, lagnat, pananakit ng katawan,

Sa banayad na Leptospirosis ay lagnat, sakit ng ulo, pagtatae, panginginig, pagsusuka, pamumula ng mata, sakit ng tiyan, kalamnan at pantal na walang pangangati.

Paninilaw naman ng balat. mata, pagkasira ng atay, bato, pagdurugo, arrhythmia sa puso, myocarditis, hirap sa paghinga at aseptic meningitis sa malubhang Leptospirosis.

Samantalang sa Dengue, mataas na tuloy-tuloy na lagnat na tumatagal ng isa hanggang pitong araw kasama ang sinat, pamumula ng balat, walang ganang kumain, pagkahilo, pagsusuka, pagdurugo ng ilong o gilagid.

Payo ng kinauukulan, umiwas sa maruming tubig, pagkain, iwas sa trangkaso, ugaliin ang tamang pag-ubo, huwag lumusong sa baha, tanggalin ang naipong tubig para makaiwas sa leptospirosis at dengue.

Sinasabing ang kalinisan at agarang pagpapakonsulta ay susi sa ligtas na pamilya, ayon na rin sa nasabing tanggapan pang-kalusugan. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here