Home METRO P500K halaga ng alahas natangay sa negosyante sa Cavite

P500K halaga ng alahas natangay sa negosyante sa Cavite

2
0

MANILA, Philippines – Nasa humigit kumulang sa kalahating milyong pisong halaga ng mga alahas ang natangay ng mga suspek makaraang holdapin nito ang isang negosyante na naghihintay sa kanyang sasakyan sa isang care hub sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa report ng pulisya, alas 7:30 ng umaga nang dalhin ng biktima ang kanyang sasakyan sa Enzo Motors Car Care Hub para ipa-maintenance.

Makalipas ang ilang oras, dumating ang apat na suspek na lulan ng dalawang Yamaha NMAX motorcycle, isang kulay itim at isang kulay abo.

Dito bumaba ang mga suspek at agad na nilapitan ang biktima.

Napag-alaman na isa sa mga ito ang umano’y bumunot ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at itinutok sa likuran bahagi ng biktima bago sapilitang inagaw ang kanyang gold bracelet at gold necklace na may pendant, na tinatayang nasa halagang ₱400,000.

Matapos na makuha ang mga alahas ng biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Bacoor Police, ipinakita sa biktima ang gallery rogues at positibong natukoy nito ang isa sa mga suspek na si Alvin Yap, alyas “Negro,” residente ng Barangay Niog, Bacoor City.

Kinilala rin ng mga testigo ang iba pang suspek na gumagamit ng mga alyas na “Balong,” “Evo,” at “Batang.”

Patuloy ang hot pursuit operation ng Bacoor CCPS habang nagsasagawa ng back tracking sa mga CCTV footage sa lugar na posibleng dinaanan ng mga suspek para sa agarang ikadarakip ng mga ito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here