Home NATIONWIDE Marcoleta nanawagan ng patuloy na pagsusulong ng transparency, hustisya

Marcoleta nanawagan ng patuloy na pagsusulong ng transparency, hustisya

3
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Rodante Marcoleta sa kanyang mga tagasuporta na ipagpatuloy ang pagsusulong ng transparency, accountability, hustisya, at demokrasya.

Sa mensaheng inilathala sa kanyang Facebook noong Hulyo 11, sinabi niyang kahit pansamantalang magkahiwalay sila, dapat ipagpatuloy ang kanilang layunin para sa kapayapaan, kaayusan, at kaunlaran ng bansa.

Kasalukuyang nasa Philippine National Police General Hospital si Marcoleta matapos arestuhin noong Hulyo 6 dahil sa kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y hindi idineklarang ₱75 milyong campaign contribution. Nananatili siya sa ilalim ng obserbasyon dahil sa altapresyon at iba pang problema sa kalusugan.

Nagtapos ang kanyang mensahe sa pagsasabing umaasa siyang muli nilang magkikita sa tulong ng Diyos at nagpahayag ng pagmamahal sa kanyang mga tagasuporta. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here