MANILA, Philippines – Tikom ang bibig at wala pang anumang kumpirmasyon mula sa Department of Health (DOH) sa umano’y pagbibitiw sa pwesto ni Health Secretary Ted Herbosa.
Batay sa isang post sa social media, nagbitiw si Herbosa dahil sa isyu sa kalusugan.
Siya umano ay sumailalim sa knee replacement surgery kamakailan.
Ayon naman sa source ng Remate News Online, ipinatawag ang lahat ng regional directors sa Maynila ngayong araw. Posible umanong isa ito sa kanilang tatalakayin.
Sinubukan namang hingan ng kumpirmasyon ang DOH sa sinasabing resignation ni Herbosa ngunit walang tugon hanggang sa mga oras na isinusulat ang balitang ito. Jocelyn Tabangcura-Domenden