Home METRO P974K iligal na droga, nasamsam sa Ilocos Region

P974K iligal na droga, nasamsam sa Ilocos Region

3
0

ILOCOS SUR, Philippines – Tatlong high-value individuals (HVI) ang naaresto at humigit-kumulang ₱974,000 halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Ilocos Region nitong weekend.

Sa Alilem, Ilocos Sur, dalawang suspek mula sa Bakun, Benguet ang nahuli matapos makumpiskahan ng 5 kilo ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng ₱600,000.

Sa Villasis, Pangasinan, isang babaeng suspek mula sa Urdaneta City ang naaresto matapos makuhanan ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱374,999.

Isinagawa ang mga operasyon ng mga lokal na pulis at ng Police Provincial Drug Enforcement Unit.

Ayon kay Police Brigadier General Jovencio S. Badua Jr., layunin ng mga operasyon na hindi lamang maaresto ang mga sangkot kundi mapahina rin ang mga grupong nasa likod ng iligal na droga. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here