Home TOP STORIES Higit 20 bansa naghihigpit sa social media para sa mga bata

Higit 20 bansa naghihigpit sa social media para sa mga bata

4
0

BRUSSLES, Belgium – Dumarami ang mga bansa na nagpapatupad o nagpaplanong magpatupad ng limitasyon sa paggamit ng social media ng mga bata.

Sa European Union (EU), magsusumite ngayong Lunes ang isang expert committee ng rekomendasyon kung dapat bang ipagbawal ang social media para sa mga menor de edad.

Mga bansang may umiiral nang paghihigpit:

-Australia – Bawal sa mga wala pang 16 taong gulang.

-Brazil – Kailangang naka-link sa account ng magulang ang social media account ng mga wala pang 16.

-China – May limitasyon sa paggamit ng social media at iba pang online platforms ng mga menor de edad.

-Indonesia at Malaysia – Bawal ang social media para sa mga wala pang 16 taong gulang.

-Turkey at United Arab Emirates – Magpapatupad din ng katulad na batas.

Mayroon na ding mga bansang naghahanda ng batas ukol dito kabilang ang Greece, Austria, Slovenia, Germany, Sweden, Ireland, Denmark, Norway, United Kingdom, Canada, at ilang estado sa India.

Samantala, kasalukuyan ding pinagdedebatehan ang mga katulad na batas sa France, Portugal, Spain, at Italy.

Layunin ng mga hakbang na ito na maprotektahan ang mga bata laban sa mga panganib at masasamang epekto ng social media. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here