MANILA, Philippines – Nagtalaga ang Department of Justice (DOJ) ng legal unit na tututok sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, plano ng binuong grupo na magkaroon ng ‘source of legal expertise’ o pawang ‘Maritime Law Center’ na magsisilbing ‘legal repository’ ng DOJ nakatuon sa pinag-uusapang teritoryo.
“Mayroong nang dedicated Maritime unit –parang maritime law center na tayong binuo dito sa Department of Justice para mayroong na tayong single legal repository ng mga expertise on this matter”, sabi pa ni Vida.
Layon din ng DOJ na mapangalagaan ang pagkakapanalo ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal noong 2016 kung saan kinilala ang karapatan ng bansa pagdating sa sovereigh rights nito sa WPS.
Binigyang-diin ni Vida na kailangan pa ring ipaglaban ang karapatan ng bansa kahit nanalo ang Pilipinas sapagkat hindi aniya ito self executing.
Ayon kay Vida, kaisa ang Kagawaran sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Arbitral Award sa Pilipinas at binigyang diin ang kahalagahan sa pagkilala ng ‘rule of law. Jocelyn Tabangcura-Domenden