Home TOP STORIES Matinding heat wave naitala sa US

Matinding heat wave naitala sa US

1
0

UNITED STATES – Nakaranas ang gitnang bahagi ng Estados Unidos ng matinding heat wave na nagtakda ng mga bagong rekord sa temperatura.

Sa Salt Lake City, Utah, at Billings, Montana, umabot sa 43°C ang init—ang pinakamataas na temperaturang naitala sa mahigit 150 taon.

Dahil sa matinding init, nahirapan din ang mga awtoridad na apulahin ang malalaking wildfire sa Colorado at Utah. Inaasahang magpapatuloy ang mataas na temperatura hanggang Martes.

Noong nakaraang linggo, nakaranas din ng matinding init ang silangang bahagi ng US, kung saan umabot sa humigit-kumulang 40°C ang temperatura sa New York at Philadelphia.

Ayon sa mga eksperto, mas nagiging madalas at mas matindi ang mga heat wave dahil sa climate change, na pangunahing dulot ng pagsusunog ng coal, langis, at gas.

Samantala, naranasan din ng Kanlurang Europa ang pinakamainit nitong Hunyo sa kasaysayan, kung saan mahigit 1,300 katao ang nasawi dahil sa matinding init, ayon sa World Health Organization (WHO). RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here