MANILA, Philippines – Itinanggi ng House prosecution panel ang mga paglalarawan ni Vice President Sara Duterte bilang isang “political bloodbath” ang impeachnment trial at layon lamang na sakyan ito.
Ayon kay House trial spokesperson Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, walang intensyong saktan sa larangang pulitikal si Duterte.
“Never po na intention ng prosecution na magkaroon ng sakitan. Ang intention po talaga ng prosecution ay pananagutan,” ani Adiong.
Giit ng mambabatas na dapat suriin ang kaso ng prosecution batay sa articles of impeachment, mga ebidensyang isasampa sa record, at mga sagot ng defense.
Kinuwestiyon din ni Adiong ang paulit-ulit na paggamit ng salitang “dugo” kaugnay ng paglilitis.
“Hindi po namin alam kung saan nanggagaling itong dugo na parati po nilang ginagamit sa kanilang mga statement,” paliwanag nito
Sinabi pa n Adiong na hindi dapat ilarawan ang proseso bilang pagsisikap na saktan ang isang tao, aniya, ito ay isang pormal na imbestigasyon sa naging asal ng isang mataas na opisyal ng gobyerno at sa tiwalang kalakip ng kanyang puwesto. Gail Mendoza