Home METRO Rider utas nang bumangga sa trak sa Cebu

Rider utas nang bumangga sa trak sa Cebu

4
0

CEBU, Philippines – Patay ang isang 27-anyos na motorsiklista matapos bumangga sa isang pickup truck sa Cebu Transcentral Highway sa Barangay Cantipla, Cebu City noong Hulyo 12.

Ayon sa pulisya, pababa ang motorsiklista patungong Balamban nang mawalan siya ng linya habang lumiliko sa kurbada at napunta sa kasalubong na lane. Doon niya nabangga ang pickup truck na paakyat naman patungong Cebu City.

Dahil sa lakas ng banggaan, tumilapon ang biktima at nakaladkad pa ang motorsiklo ng ilang metro. Dinala siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Hindi nasugatan ang 42-anyos na driver ng pickup truck at nilinaw ng pulisya na wala itong pananagutan sa insidente.

Ayon sa imbestigasyon, lumabag ang motorsiklista sa reckless driving sa ilalim ng Republic Act No. 4136 dahil sa hindi pananatili sa tamang linya ng kalsada.

Nasira ang parehong sasakyan, ngunit mas malaki ang pinsala sa motorsiklo. Naibigay na rin sa pamilya ang labi ng biktima. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here