Home METRO Kasambahay arestado sa pagnanakaw ng higit P180K alahas sa amo

Kasambahay arestado sa pagnanakaw ng higit P180K alahas sa amo

3
0

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 43-anyos na kasambahay matapos umanong magnakaw ng mahigit ₱180,000 halaga ng alahas mula sa bahay ng kanyang amo sa isang exclusive subdivision sa Muntinlupa City.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Janice, residente ng Balayan, Batangas. Nagtatrabaho siya sa may-ari ng isang jewelry shop na kinilala sa alyas na Maricor sa Alabang Hills Village, Barangay Cupang.

Ayon sa mga awtoridad, nahaharap si Janice sa pitong bilang ng qualified theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code.

Nabunyag ang umano’y pagnanakaw matapos makita ni Maricor sa mga gamit ng suspek ang pawnshop receipt para sa isang gold necklace na nagkakahalaga ng ₱12,571, na kinilala niyang pag-aari niya.

Kalaunan, nakumpirma ng pulisya na pitong alahas, kabilang ang mga kuwintas, singsing, hikaw at pendant, ang isinangla sa pangalan ni Janice. Narekober ang mga ito na may kabuuang halagang ₱90,315.

Nawawala pa rin ang iba pang mahahalagang gamit na nagkakahalaga ng ₱94,145, kabilang ang diamond ring, kuwintas na may diamond at emerald pendant, wristwatch at bracelet.

Pinuri ni Southern Police District director Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco ang Muntinlupa police dahil sa pagkakaaresto sa suspek. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here