Home METRO 5 miyembro ng “Gapor Gang” arestado sa Marikina

5 miyembro ng “Gapor Gang” arestado sa Marikina

3
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya ang limang hinihinalang miyembro ng “Gapos Gang” matapos silang magpanggap na mga pulis at pasukin ang isang bahay sa Barangay Concepcion Dos, Marikina City noong madaling araw ng Hulyo 13.

Ayon sa imbestigasyon, nagpakita ang mga suspek ng pekeng warrant of arrest upang makapasok sa bahay. Pagkapasok, pinutol nila ang Wi-Fi, sinira ang CCTV, at itinali ang mga biktima gamit ang plastic cable ties at duct tape habang tinututukan ng baril. Pagkatapos ay hinalughog nila ang bahay at tinangay ang mga mahahalagang gamit.

Sa kabila ng pangyayari, nakapagpadala ng lihim na emergency message ang isa sa mga biktima sa pulisya.

Agad na rumesponde ang mga pulis at naaresto ang limang suspek bago sila makatakas. Gayunman, nakatakas ang tatlo pa nilang kasamahan dala ang milyon-milyong pisong halaga ng pera, alahas, at cellphone.

Narekober ng pulisya ang ilang ninakaw na gamit, mga baril, bala, sumpak, balaclava, plastic cable ties, duct tape, wire cutter, at tatlong pekeng warrant of arrest.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong robbery with violence or intimidation, usurpation of authority, illegal possession of firearms, slight illegal detention, at falsification of public documents. Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang tatlo pang nakatakas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here