Home HOME BANNER STORY PBBM ‘di apektado sa sarbey ng SWS; nakatutok sa trabaho hindi bakasyon...

PBBM ‘di apektado sa sarbey ng SWS; nakatutok sa trabaho hindi bakasyon – Palasyo

2
0

MANILA, Philippines – HINDI APEKTADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtaas at pagbaba ng numero na nakukuha niya sa mga isinasagawang survey sa bansa.

Ang katuwiran ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro naka-pokus kasi ang Pangulo sa pagtatrabaho at hindi bakasyon.

“Tumaas, bumaba …ang pangulo ay hindi po apektado ng numero. Tumaas yan, bumaba yan, ang pokus ng Pangulo ay magtrabaho. Kung ano ang kailangang maipaabot sa ating mga kababayan ‘yon po ang gagawin ng ating Pangulo at ng administrasyon na ito,” ayon kay Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Sa susunod ulit, next month, next week mayroon na namang survey… Uulitin ko lang po ang aking sgaot… “tumaas, bumaba. ang Pangulo po ay hindi apektado, ng numero tuloy-tuloy lamang po ang pagta-trabaho, hindi bakasyon,” ang dagdag na wika ni Castro.

Nilinaw ni Castro na hindi dini-disregard ng Pangulo ang survey dahil nakikita din naman aniya ng mga miyembro ng Gabinete ang ginagawa ng Pangulo.

“Ano ang dapat na i-push? Ano yung dapat na pagtuunan ng pansin? Pero ang Pangulo gumanda man, hindi gumanda ang survey para sa kanya.. Hindi po siya maaapektuhan nito. Inthe first place hindi naman siya tatakbo bilang Pangulo sa susunod.

So, trabaho lang ang Pangulo,” ang pahayag ni Castro.

Sa ulat, nakabawi ang public satisfaction rating ni Pangulong Marcos sa ikalawang bahagi ng 2026, mula sa record-low score noong Marso.

Sa resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula Hunyo 20-29, lumilitaw na nasa 38% ng mga adult Filipinos ang ‘satisfied’ o kuntento sa performance ng Pangulo, habang 45% ang ‘dissatisfied’ o hindi kuntento habang 17% ‘undecided.’

Nangangahulugan ito ng net satisfaction rating na -7, o paghusay mula sa dating -15 noong Marso 2026, na pinakamababang rating na kanyang natanggap simula nang manungkulan sa puwesto noong Hunyo 2022.

Ang pinakahuling grado ng Pangulo ay nagpapakita ng eight-point increase mula 33% hanggang 38% at pagbaba ng dissatisfaction mula 49% hanggang 45%.

Sa kabila nito, ipinunto ng SWS na nananatili pa ring nasa negatibo ang rating ni Pang. Marcos, na nagpapakita na mas marami pa rin ang mga respondents na hindi kuntento sa kanyang performance. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here