Home METRO 19-anyos na estudyante, patay sa saksakan sa Cagayan

19-anyos na estudyante, patay sa saksakan sa Cagayan

3
0

CAGAYAN, Philippines – Patay ang 19-anyos na estudyante sa unibersidad na si Zanter Troy Dela Cruz Soriano matapos umano siyang paulit-ulit na saksakin ng 23-anyos na si Vincent Danga habang nag-iinuman sa isang bahay sa Atulayan Norte madaling araw ng Hulyo 15.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa inuman sa bahay ni Ricky Soriano na nauwi sa suntukan, kung saan umano’y sinaksak ni Danga ang biktima.

Si Soriano ay isang student leader at miyembro ng Boys of M3 Cagayan Valley Zone skating team.

Matapos ang insidente, tumakas si Danga sakay ng motorsiklo ngunit naaresto rin makalipas ang ilang oras sa Iguig, Cagayan. Narekober din ng pulisya ang kutsilyong umano’y ginamit sa krimen.

Isinugod si Soriano sa San Raphael Hospital ngunit idineklara siyang patay bandang 2:35 a.m. ng kanyang attending physician na si Dr. Paul Tegga.

Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban kay Danga kaugnay ng pagkamatay ng biktima. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here