Home METRO Tambay nagbanta, nanutok ng baril sa ka-barangay, swak sa kulungan

Tambay nagbanta, nanutok ng baril sa ka-barangay, swak sa kulungan

1
0

MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang 24-anyos na tambay matapos tutukan ng baril at pagbantaan na papatayin ang kanyang kabarangay sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek sa alyas “John”, ng Brgy., Malinta na mahaharap sa kasong Grave Threats at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions).

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, pasado alas-12:15 ng hating gabi nang tutukan ng baril at pagbantaan ng suspek na papatayin ang kabarangay na si alyas “Angelo”, 31, sa Area 4 Sitio Pinalagad, Brgy., Malinta.

Nang makarating naman sa mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 4 ang pangyayari, kaagad rumesponde sina Pat Jonathan San Pedro at Pat Roval Lambawan na nagresulta sa agarang pagkakaaresto sa suspek .

Nakumpiska sa suspek ang walang lisensya at walang kaukulang dokumento na isang caliber .38 revolver na kargado ng dalawang bala. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here