Home METRO Hepe, tatlong parak sinibak sa ‘mistaken identity’ ops sa Bulacan

Hepe, tatlong parak sinibak sa ‘mistaken identity’ ops sa Bulacan

1
0

BULACAN, Philippines – Sinibak sa puwesto ang apat na pulis matapos mauwi ang kanilang operasyon sa “mistaken identity” sa lungsod Baliwag nitong Huwebes ng Hulyo 16.

Ito ay base sa reklamo ng isang negosyante na umanoy may mga lalaking lumapit sa kanya na nagpakilalang pulis at pilit siyang isinasakay sa isang pulang sasakyan.

Nabatid na wala rin umanong naipakitang warrant of arrest o anumang dokumento ang mga pulis na tuwirang hindi pagsunod sa tamang police operational procedure.

Napigilan ang mga lalaki na isakay ang negosyante ng rumesponde ang ilang empleyado sa establisimento.

Lumalabas sa ulat na kaso ito ng mistaken identity matapos mapagtanto na nagkamali sila ng taong hinahanap, ayon pa rin sa ulat.

Sinasabing damay  sa mga na-relieve ang hepe dahil sa usaping command responsibility habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here