MANILA, Philippines – Personal na binisita ni Cabinet Secretary Benhur Abalos Jr. nitong Biyernes ang burol ng motorcycle rider na si Fabio Norberte Jr. upang ipaabot ang pakikiramay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naulilang pamilya.
Sa kanyang pagbisita, nakiramay si Abalos sa mga mahal sa buhay ng biktima at tiniyak na hindi sila pababayaan ng pamahalaan sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.
Nagpaabot din si Abalos ng tulong sa pamilya at nakipagpulong sa mga kaanak ng nasawi upang alamin ang kanilang agarang pangangailangan.
Binigyang-diin din ni Abalos na dapat managot ang responsable sa pagkamatay ni Norberte at umasa ang pamilya na paiiralin ang hustisya.
Bukod dito, nangako si Abalos ng personal na suporta para sa anak ng biktima na may autism, at sinabing tututukan niya ang mga pangangailangan nito upang matulungan ang pamilya na makabangon. (KRIS JOSE)







