Home METRO Ilang kalsada sa Benguet, Baguio sarado, limitado sa masamang panahon – DPWH

Ilang kalsada sa Benguet, Baguio sarado, limitado sa masamang panahon – DPWH

1
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na may ilang kalsada sa Benguet at Baguio na nananatiling sarado o may limitasyon sa pagdaan dahil sa pagguho ng lupa dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

Nananatiling sarado ang Benguet–Nueva Vizcaya Road mula pa noong Hunyo 28. Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa Marlboro Beckel Road o Labey-Lacamen Road bilang alternatibong ruta.

Samantala, bukas pa rin ang mga pangunahing kalsada papuntang Baguio City, ngunit ang Kennon Road ay para lamang sa mga magagaang sasakyan na may maximum na 5 toneladang karga.

May mga umiiral ding limitasyon sa Kennon Road, kabilang ang pansamantalang Acrow Bridge sa Camp 2 na may 2.5 metrong taas na clearance at isang bahagi ng kalsada na one-lane lamang.

Pinapayuhan ang mga driver ng mabibigat na sasakyan na dumaan sa Marcos Highway o Asin-Nangalisan-San Pascual-La Union Boundary Road.

Hinimok din ng DPWH ang mga motorista na iwasan ang hindi kinakailangang biyahe, sundin ang mga traffic advisory, at mag-ingat sa pagmamaneho dahil sa posibilidad ng pagbaha, landslide, pagbagsak ng bato at puno, at mahinang visibility dulot ng habagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here