Home TOP STORIES M7.3 lindol, yumanig sa Mexico, ilang bahagi ng Central America

M7.3 lindol, yumanig sa Mexico, ilang bahagi ng Central America

3
0

VIRGINIA, USA – Isang magnitude 7.3 na lindol ang yumanig sa timog ng Mexico at ilang bahagi ng Central America nitong Biyernes, ayon sa US Geological Survey (USGS).

Naramdaman ang malakas na pagyanig sa mga estado ng Chiapas at Oaxaca sa Mexico, gayundin sa Guatemala at El Salvador. Wala pang naitatalang nasawi o nasugatan ang mga awtoridad.

Ayon sa USGS, nangyari ang lindol 48 kilometro sa baybayin ng Aquiles Serdan, Mexico, sa lalim na 18 kilometro.

Naglabas naman ang US National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ng babala sa posibleng tsunami sa ilang bahagi ng baybayin ng Karagatang Pasipiko.

Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente sa tabing-dagat na lumayo sa baybayin bilang pag-iingat sakaling magkaroon ng tsunami. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here