Home METRO Paghahanda sa posibleng pagputok ng Mayon, pinaigtin ng mga awtoridad

Paghahanda sa posibleng pagputok ng Mayon, pinaigtin ng mga awtoridad

1
0

ALBAY, Philippines – Pinaigting ng mga awtoridad ang paghahanda sa posibleng pagputok ng Bulkang Mayon, kabilang ang inspeksyon sa mga evacuation center, paglalagay ng mga responder, at pagbibigay ng mga paalala sa publiko.

Ayon sa mga residente, naghanda na sila ng mga damit, pera, at iba pang mahahalagang gamit sakaling kailanganing lumikas. Sinabi rin nila na mas malakas na ngayon ang ugong ng bulkan kumpara sa mga nakaraang buwan.

Nagpulong ang pamahalaang lokal ng Sto. Domingo kasama ang iba’t ibang ahensya upang repasuhin ang evacuation plan at tiyaking handa ang mga evacuation center.

Samantala, nagtalaga naman ng mga pulis at sundalo sa mga checkpoint sa Camalig upang bantayan ang sitwasyon at ipatupad ang pagbabawal sa pagpasok sa danger zone.

Nagbabala rin ang Department of Health (DOH) Bicol laban sa mga panganib tulad ng lahar, paglanghap ng abo, kontaminadong tubig, at mga posibleng pinsala.

Pinayuhan ang publiko na patuloy na sundin ang mga abiso ng PHIVOLCS at PAGASA, maghanda ng emergency go bag, iwasan ang mga ilog na dinadaluyan ng lahar, at agad sumunod sa utos ng paglikas kung kinakailangan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here