Home NATIONWIDE Habagat patuloy magpapaulan sa Hilagang Luzon

Habagat patuloy magpapaulan sa Hilagang Luzon

2
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magdadala ang southwest monsoon o habagat ng maulap na kalangitan at pahiwalay na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Hilagang Luzon ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Apektado ng habagat ang Ilocos Region, Apayao, Abra, Batanes, Babuyan Islands, at Zambales, kung saan maaaring makaranas ng mga pag-ulan at pagkulog-pagkidlat. Posible rin ang biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng malalakas na thunderstorm.

Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may pahiwalay na pag-ulan o thunderstorm dahil sa localized thunderstorms.

Ayon sa PAGASA, wala nang mino-monitor na low pressure area o bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Magiging mahina hanggang katamtaman ang hangin sa buong bansa, habang bahagya hanggang katamtaman ang taas ng alon sa mga karagatan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here