Home TOP STORIES 7 utas sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine

7 utas sa panibagong pag-atake ng Russia sa Ukraine

3
0

KYIV, Ukraine – Pitong katao ang nasawi sa magkahiwalay na pag-atake ng Russia at Ukraine nitong Biyernes, ayon sa mga lokal na opisyal.

Sa Ukraine, dalawang katao ang namatay at walo ang nasugatan matapos tamaan ng missile ang isang gusaling tirahan sa lungsod ng Odesa. Kabilang sa mga nasawi ang isang babaeng naglalakad sa parke kasama ang mga bata, na nakaligtas naman sa pag-atake.

Dalawa pang katao ang napatay sa lungsod ng Mykolaiv matapos tamaan ang isang banyagang cargo ship. Dalawa pang dayuhang barko ang nasira. Sa Kherson, isang 70-anyos na babae ang namatay at limang matatanda ang nasugatan sa panibagong pag-atake.

Sinabi ng Russia na hindi nila sinasadya ang mga sibilyan at iginiit na imprastrakturang may kaugnayan sa militar ang kanilang pinuntirya.

Samantala, sa Russia, isang lalaki ang namatay matapos tamaan ng drone ang kanyang sasakyan sa Belgorod. Isa pang katao ang nasawi sa Gorlivka, isang bayan sa silangang Ukraine na kontrolado ng Russia, matapos ang umano’y pag-atake ng Ukraine.

Patuloy na nananatiling hindi umuusad ang usapang pangkapayapaan na pinangungunahan ng Estados Unidos upang wakasan ang digmaan.

Ayon sa United Nations (UN), umabot sa 293 sibilyan ang nasawi noong Hunyo, ang pinakamataas na bilang ng mga namatay sa Ukraine mula pa noong Abril 2022. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here