Home METRO 3 magkakapatid iniwan ng magulang, nasagip sa Rizal

3 magkakapatid iniwan ng magulang, nasagip sa Rizal

5
0

RIZAl, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang tatlong magkakapatid—isang 8-buwang gulang na sanggol, isang 6-anyos na batang lalaki, at isang 8-anyos na batang babae—matapos umano silang iwan ng kanilang mga magulang sa Barangay Bagumbayan, Pililla, Rizal.

Ayon sa ulat, walang pagkain ang mga bata at mga kapitbahay ang tumulong sa kanila bago humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Dinala ang magkakapatid sa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Office ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa 8-anyos na batang babae, natutulog sila nang umalis ang kanilang mga magulang at hindi nila alam kung bakit sila iniwan.

Muli ring nakasama ng tatlong bata ang kanilang 14-anyos na kapatid, na umano’y naunang umalis sa kanilang bahay dahil sa pisikal na pananakit ng kanilang ama.

Patuloy na hinahanap ng mga awtoridad ang mga magulang ng mga bata at iniimbestigahan ang dahilan ng umano’y pag-abandona sa kanila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here