Home NATIONWIDE Kapunan kumpiyansang papanigan ng SC sa pagbubukas ng bank, tax records ni...

Kapunan kumpiyansang papanigan ng SC sa pagbubukas ng bank, tax records ni VP Sara

2
0

MANILA, Philippines – Kumpyansa si abogado Lorna Kapunan na papanigan ng Korte Suprema ang House prosecution kung aakyat sa korte ang usapin sa pagbubukas ng bank at tax records ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Ayon kay Kapunan, naniniwala silang nasa panig sila ng batas at handa silang ipagtanggol ang posisyon ng prosekusyon.

Tinalakay ng prosecution at defense ang isyu sa oral arguments noong Hulyo 15. Hinihiling ng prosekusyon na maipatawag ang bank records, tax records, at ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ni Duterte at ng kanyang asawa bilang ebidensya sa alegasyong hindi maipaliwanag na yaman.

Iginiit naman ng kampo ni Duterte na isa itong “fishing expedition” at labag sa karapatan sa pagiging kumpidensyal at due process dahil hindi isinama ang mga dokumento sa impeachment complaint.

Ayon sa House prosecution, pinapayagan ng batas ang pagkuha ng mga rekord na ito sa impeachment trial at mabibigyan pa rin ng pagkakataon ang depensa na kuwestiyunin ang mga ebidensya.

Inaasahang magpapasya ang Senate impeachment court sa Hulyo 20. Sinabi rin ni Kapunan na may karapatan ang kampo ni Duterte na dalhin ang usapin sa Korte Suprema kung nanaisin nila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here