Home METRO 162 pawikan, matagumpay na pinakawalan sa dagat sa Bohol

162 pawikan, matagumpay na pinakawalan sa dagat sa Bohol

3
0

BOHOL, Philippines – Matagumpay na pinakawalan sa dagat sa Panglao Island, Bohol ang 162 na bagong pisang green sea turtle o pawikan.

Ayon sa DENR-Central Visayas, ang mga pawikan ay nagmula sa 192 itlog na inilatag sa baybayin ng Alona Beach, Barangay Tawala noong Mayo. Matapos ang 49 na araw ng pagmamanman, 162 itlog ang napisa at ligtas na pinakawalan sa dagat.

Sinabi ng DENR na mula nang maiulat ang pugad noong Mayo 28 hanggang sa pagkapisa ng mga itlog, tuloy-tuloy itong binantayan sa tulong ng Philippine Coast Guard, LGU Panglao, Barangay Tawala, Alona by JPark Island Resort, DENR Bohol, at iba pang katuwang sa konserbasyon.

Ayon sa ahensya, ipinapakita ng matagumpay na pagpapakawala ng mga pawikan ang kahalagahan ng pagtutulungan at patuloy na pangangalaga sa yamang-dagat. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here