MANILA, Philippines – Tukoy na ng Northern Police District (NPD) ang responsable sa pamamaril at pagpaslang sa supporter- vlogger ni PBBM noong Biyernes ng madaling araw na napaulat sa Caloocan City.
Nakiusap ang NPD, na hindi muna nila pangangalanan ang mga suspek habang patuloy pa silang naghahanap ng ebidensyang mag-uugnay sa mga ito.
Ayon sa NPD ang pagkakakilanlan sa mga suspek ay batay sa isinagawang forward at backtracking mula sa mga CCTV footages sa paligid ng Barangay 171 kung saan naganap ang insidente.
Ayon pa sa inisyal na imbestigasyon ng NPD, na posibleng madalas makita sa lugar ang mga suspek at posibleng ring kalugar din ito ng mga biktima.
Posible ring matagal tinitiktikanngga salarin ang kilos ng mga biktima.
Tiniyak naman ng NPD na isasapubliko kaagad nila ang progreso ng kanilang imbestigasyon sa oras na maging beripikado na ang impormasyon.
Nauna ng binuhay ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili ang Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa masusi, mabilis, at epektibong imbestigasyon sa nasabing pagpatay sa biktima at ikasugat ng kinakasama nito. (Merly Duero)