JORDAN – Dalawang US military personnel ang nasawi habang may isa pang nawawala matapos ang pag-atake ng Iran sa Jordan.
Ito ay kasunod ng babala ng supreme leader ng Iran na ang Washington ay magbabayad “for seeking to escalate the conflict” matapos ang ikapitong sunod na gabi ng strike ng US.
Matatandaan na umigting ang labanan ng US at Iran matapos ang interim ceasefire deal na pinirmahan isang buwan ang nakalilipas.
Sinabi ng US Central Command na ang dalawang nasawi ay noong Biyernes at ang ikatlong US service member ay nawawala.
Dahil dito ay umakyat na sa 16 ang bilang ng mga nasawing US service members mula nang magsimula ang giyera.
Mayroon namang 420 ang sugatan.
“Godspeed, heroes. Their sacrifice only stiffens our resolve,” sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth. RNT/JGC