HUMINGI ng saklolo sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang pamunuan ng Medical Mission Group Aklan para sa pagtanggal ang mga stall at vendor sa kanilang harap na nakakaapekto sa kanilang operasyon.
Ang Medical Medical Mission Group Aklan ay isang kooperatibang Hospital na itinayo upang madagdagan ang mga pagamutan sa Aklan upang mapabilis na mabigyan ng lunas ang kanilang pasyente.
Sa panayam ng K5 News FM, sinabi ni SB member Christine Dela Cruz, nagpaabot ng pagkabahala ang board ng nasabing kooperatiba dahil dalawang taon nang disrupted ang operasyon ng nasabing pagamutan dahil sa abalang dulot ng relokasyon ng Kalibo Public Market.
Malaking pagkalugi sa kita ang idinulot nito na banta sa survival ng kooperatiba. Ayon pa umano sa pamunuan, nagloan ang MMG para sa bagong pasilidad ngunit maapektuhan ito kung magpapatuloy ang problema.
Kaugnay nito nagsagawa ng consultative meeting na pinangunahan ni Dela Cruz kung saan tinalakay na hanggang Agosto na lamang ang palugit sa stalls, kasabay ng inaasahang pagtatapos ng bagong palengke.
Ngunit napag-alaman maaaring umabot hanggang Oktubre o bago mag-Oktubre bago magiging fully operational ang bagong pasilidad ng MMG.
Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang kapabayaan ng pamunuan pang publikong pamilihan na dumanas ng sari-saring kontrobersya.
Napag-alaman na maging ang kanilang vice-mayor na si Philip Kimpo Yerro ay sablay din ang kanilang ginawang aksyon upang gawing mabilis na matapos ang nasabing pamilihang bayan.
Ilan sa mga sumasalungat sa maling pagbabago sa bayan ng Kalibo ay nagdududa kung maayos ni Mayor Juris Sucro ang mga balak niyang pagbabago.
Kahit anong klaseng alyansa pa ang gawin ni Sucro ay mukhang malabong umayos ang mga gulong naranasan ng mga mamamayang ng nasabing bayan.
Napag-alaman lahat ng klase ng impluwensya o tulong ng mga taong may kinalaman sa nasabing proyekto ay nahingi na pero wala pa ring nangyayari kaya’t hindi lumilitaw ang tunay na layunin ng mga taong may malasakit sa bayan.
Idinagdag ni Dela Cruz na dapat talakayin ang problema sa palengke sa tamang usapin o paksa at huwag halupan ng magulong pulitika.






