Home NATIONWIDE Pag-subpoena sa financial records ni VP Sara, malaking panalo sa mga Pinoy...

Pag-subpoena sa financial records ni VP Sara, malaking panalo sa mga Pinoy – prosekusyon

10
0

MANILA, Philippines – Tinuring ng prosecution team na panalo para sa katotohanan, pananagutan, at sa buong sambayanang Pilipino ang naging desisyon ng Senate impeachment court na isubpoena ang bank records ng mag asawang Vice Presidengt Sara at Atty Manases Duterte.

Matapos ang ikapitong araw ng impeachment trial, ipinaliwanag ni House prosecution legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na sumang-ayon ang impeachment court na sapat ang naipakita ng panel na relevance at specificity ng mga dokumentong hinihiling nila.

Saklaw ng mga motion na ito ang mga bank record, Anti-Money Laundering Council (AMLC), at Bureau of Internal Revenue (BIR) records nina Duterte at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio, ng Carpio Lawyers, at 19 pang entity.

“As we have seen, we’re pleased that the impeachment court through the presiding officer granted our twin motions for issuance of subpoena for the submission of the BIR documents, AMLAC records, and the bank records of the vice president and her husband and their financial interest,” pahayag ni Tolosa sa press conference.

Tinawag naman ni House prosecutor at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang desisyon bilang “tagumpay ng katotohanan” at “tagumpay ng pananagutan,” dahil panalo rin umano ito para sa mismong Senate impeachment court dahil pinatunayan nito ang saklaw ng constitutional authority nitong pilitin ang paglabas ng ebidensya.

“Hindi lang ito tagumpay ng prosecution o tagumpay ng defense, tagumpay din ito ng impeachment court,” ani De Lima.

Ikinatuwa rin ni De Lima ang pagpayag ng korte na isama ang bank records ni Duterte mula 2007.

“So this is really a very good day for the prosecution because of the grant. Wala nang makakahadlang sa paghanap ng katotohanan,” paliwanag nito.

Kasabay nito, sinang-ayunan din ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union ang saya ng prosecution, na tinawag ang desisyon na “a big win for the madlang people.”

Bahagi ang mga subpoena ng ebidensya ng prosecution para sa Article II ng articles of impeachment, na nag-aakusa kay Duterte ng pagkakaroon ng unexplained wealth. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here