CAVITE, Philippines – Sinuspinde ngayon ng pamunuan ng isang pampublikong eskuwelahan ang afternoon shift na klase dahil sa umano’y insidente ng pananaksak sa isang Grdae 10 student ng kanyang kaklase sa loob ng eskuwelhan sa Tanza, Cavite.
Bagama’t pinapasok muna ang mga estudyante ng morning shift, nagdulot naman ng napakahabang pila ang mga estudyante bago tuluyang silang nakapasok sa loob ng eskuwelahan dahil sa ipinatupad na security measures sa mga estudyante at natapos ang klase at pauwiin ang mga morning shift na estudyante ay nagdesisyon ang pamunuan ng eskuwelahan na suspindihin ito.
Nag-ugat ang insidente makaraang hiniram umano ng suspek ang isang vape sa kanyang kaklase noong Biyernes hanggang sa naiuwi umano nito at hindi niya naibalik. Nang pinababalik umano ng suspek ang kanyang vape, itinangi umano ng naghiram dahil pinagpasapasahan ang nasabing vape na tuluyang ikinagalit ng suspek at humantong sa pananaksak ng suspek sa mukha ng kanyang kaklase.
Naalarma ang pamunuan ng eskulwelahan at mga kapulisan makaraang kumalat sa social media ang insidente at ipinaabot sa Alkalde ng bayan.
Sinasabing hindi na umano nagreklamo ang mga magulang ng biktima at nagkaayos na lang habang tumanggi naman ang pamunuan ng eskuwelahan ng anumang pahayag. MARGIE BAUTISTA