Home NATIONWIDE Impeachment court, binawasan iskedyul ng hearing para sa SONA 2026

Impeachment court, binawasan iskedyul ng hearing para sa SONA 2026

6
0

MANILA, Philippines – Inayos ng Senate impeachment court ang iskedyul ng paglilitis upang bigyang-daan ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang contra-SONA ng minorya at ang pagbabalik ng regular na sesyon ng Senado.

Sinabi ni presiding officer Francis Escudero na walang impeachment trial sa Hulyo 27, araw ng SONA, at Hulyo 28 upang mabigyan ng panahon ang Senate minority na ihanda at ihayag ang kanilang tugon.

“So, our next trial date will be on July 29,” ani Escudero.

Gaganapin ang paglilitis sa Hulyo 29 at 30 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, bago ang regular na sesyon ng Senado sa alas-4 ng hapon.

Simula Agosto, magsasagawa ang impeachment court ng paglilitis tuwing Lunes hanggang Miyerkoles, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, batay sa napagkasunduan ng mga senator-judge sa kanilang caucus.

Ayon kay Escudero, layunin ng pagbabago na maipagpatuloy ang pagdinig sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte habang ginagampanan ng Senado ang mga tungkuling lehislatibo nito.

Binawi rin ng korte, nang hindi isinasara ang posibilidad na muling ilabas, ang mga subpoena para kina dating Land Bank branch managers Violeta Constantino at Nenita Camposano matapos sabihin ng prosecution at defense na hindi pa kukunin ang kanilang testimonya.

Natanggap din ng korte ang mga kahilingang maglabas ng subpoena para kay House records official Marivic Pareja at Commission on Audit personnel Roderick Wamil. Sinabi ni Escudero na aaksiyunan ang mga ito “at the proper time.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here