Home ENTERTAINMENT Joshua, in-unfollow na si VP Sara at Sen. Alan Peter!

Joshua, in-unfollow na si VP Sara at Sen. Alan Peter!

5
0

Manila, Philippines – Maka-VP Sara Duterte nga ba si Joshua Garcia?

At “package deal” ba na ang mga kaalyado nito tulad ni Sen. Alan Peter Cayetano ang sinusuportahan ng aktor?

Well, para matapos na nga ang usapan–finally, inilabas na nga ni Joshua ang kanyang tunay na political color!

In-unfollow na nga ng aktor si VP Sara at si Cayetano.

Dahil kasi sa pag-follow niya sa mga ito kung kaya’t inulan siya ng kaliwa’t kanang batikos.

Bale ba, nakasama pa ang “heart react” ni Joshua sa naging takbo ng impeachment trial kay VP Sara.

Ni-repost pa ni Joshua ang video ng sagutan ng mga pro-Sara at anti-Sara.

Pinaratangan tuloy si Joshua bilang DDS.

Nakahanap naman ng mga kakampi ang aktor.

Pero hindi nagustuhan ng iba ang paghuhugas-kamay ni Joshua by unfollowing the VP and the senator.

Nais lang daw isalba ni Joshua ang kanyang nabahiran nang imahe: “It’s too late, dear!”

“So magiging patagong DDS na lang siya?!”

“Damage control yarn!”

Sey naman ng mga pro-Joshua: “It’s his right to follow or unfollow! This is no big deal!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here