Home METRO PHLPost: Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID

PHLPost: Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID

4
0

MANILA, Philippines — Hindi kailangang magpakita ng existing valid government-issued ID ang mga Pilipinong nais kumuha ng Postal ID, paglilinaw ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) nitong Miyerkules.

Kailangan lamang magsumite ng mga first-time applicant ng birth certificate, barangay certificate o iba pang katanggap-tanggap na proof of address, at kumpletong Postal ID application form.

“The Postal ID has always been intended to make it easier for Filipinos to establish their identity, especially those applying for their first government-issued ID,” pahayag ni Postmaster General and CEO Maximo Sta. Maria III.

“By presenting a birth certificate and proof of address, eligible applicants can already begin the process of securing a trusted government-issued ID,” dagdag niya.

Maaaring magsumite ang aplikanteng walang barangay certificate ng bagong electricity, water, internet o iba pang utility bill na nakapangalan sa kanya at nakasaad ang kasalukuyang tirahan.

Inilabas ng PHLPost ang paglilinaw upang iwasto ang maling paniniwalang kailangan munang magkaroon ng ibang government-issued ID bago makakuha ng Postal ID.

Pakinabang ito para sa mga first-time ID holder, estudyante, naghahanap ng trabaho, senior citizen, solo parent, person with disability at mga indibidwal mula sa underserved communities.

Tinatanggap ang Postal ID sa mga pampubliko at pribadong transaksiyon, kabilang ang pagbubukas ng bank account, pag-aapply ng passport, pagkuha ng parcel, pagpapadala at pagtanggap ng koreo, at pagproseso ng mga legal at financial transaction. Jocelyn Domenden-Tabangcura

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here