Home NATIONWIDE DOJ tatanggap ng reklamo sa bullying

DOJ tatanggap ng reklamo sa bullying

4
0

MANILA, Philippines — Maglalabas ang Department of Justice (DOJ) ng department order na mag-uutos sa mga lokal na tanggapan ng piskalya na tumanggap ng mga reklamo kaugnay ng bullying, kasunod ng insidente ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.

Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, inatasan ni Justice Secretary Fredderick Vida ang mga lokal na prosecution office at ang DOJ Action Center na tumanggap ng mga reklamo.

“So pwede po niya itong i-assess, pwede niyang i-mediate pwede nyang i-refer to the school na may primary jurisdiction or kaya i-refer sa sa women and children protection desk ng Philippine National Police,” ani Dato.

Binigyang-diin din niya na tungkulin ng DOJ na labanan ang bullying at protektahan ang karapatan ng mga bata alinsunod sa Konstitusyon at mga pandaigdigang batas.

“Kailangan lang pong bigyan diin na ito ay isang pamamaraan na mayroong access iyong biktima at parents na maliban sa paaralan mayroon silang ibang ahensya na malalapitan at madudulugan,” dagdag niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here